Kakaibang Pag-aaral sa Buwan ng Wika

“Hayaan mong maglaro ang bata sa araw, at sa ulan nama’y magtampisaw.” Ito ang paanyaya ng isang sikat na awiting Filipino, kaya nga ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon sa Mababang Paaralan ng Ateneo de Iloilo – Santa Maria Catholic School ay nakatuon sa kasiyahan at pakikilahok ng mga mag-aaral sa bawat gawaing idinisenyo para magkaroon sila ng panibagong karanasan - bagong karanasan, bagong kaalaman.

Ang pagdiriwang ngayong taon ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Karunungan” ay pinangunahan ng programang Filipino sa pakikipagtulungan ng Programang Araling Panlipunan bilang paghahanda na rin sa paggunita sa pagdiriwang ng “Iloilo Charter Day” sa ika-25 ng Agosto.  Ito ay nakasentro sa kulturang Ilonggo-Filipino.  

Sinimulan ang pagbubukas ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagpapakitang-gilas ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral mula ika-5 Baitang (5-Colombiere)gayundin ng Unang Baitang (1 – Gonzaga) ng kanilang galing sa pag-awit, pagsayaw, at pagtatalumpati. Nagpakitang-gilas din sila sa paglalaro ng mga tradisyunal na larong-Pinoy bilang patikim sa mga maasahang pagdiriwang sa loob ng isang buwan. 

Kasama sa pagdiriwang ang pagdaos ng Misa para sa Kapistahan ng Pag-akyat ni Birheng Maria sa Langit sa wikang Filipino noong ika-15 ng Agosto.  Dumalo rito ang mga  mag-aaral, guro at kawani ng paaralan na suot ang kanilang paboritong barong Pilipino.

Mula ika-16 hanggang ika-23 ng Agosto ay hinaharana ng mga kalahok ng  “Awit ng Tanghalian” ang mga mag-aaral habang sila ay nananghalian.  Sinusundan ito ng “The Singing Bibe” na hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro at kawani ng paaralan. Sa larong ito, nagpaligsahan ang mga kalahok na dugtungan ang mga nawawalang linya sa mga awiting Filipino o Hiligaynon.  

Ginawa namang “Alternative Class Day” ang ika-19 ng Agosto na inilaan upang sabay-sabay na makapaglaro, magkasayahan at matuto ng kulturang Pilipino ang mga mag-aaral.  Nagdiriwang ang Pre-school hanggang ikalawang baitang ng “Piyesta sa Dakbanwa” o Pista sa  Lungsod kung saan sila ay nagbahaginan ng pagkaing Pinoy, nalaro ng mga larong Pinoy, at iba pang kasiyahan.  Hindi naman nagpahuli ang mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat ng baitang sa mga larong Pinoy.  Nagtagisan din sila ng mga kaalaman sa wika at kulturang Ilonggo-Filipino sa pamamagitan ng isang larong hango sa “Family Feud” na napapanood sa telebisyon.

Samantala ang ika-5 at ika-6 na baitang naman ay nagkakaroon ng lakbay-aral. Nilibot ng ikalimang baitang ang mga makabuluhan at makasaysayang lugar sa lungsod ng Iloilo gaya ng Museo Iloilo, Casa Mariquit, mga makasaysayang daan at istruktura na itinatag noong unang panahon.  Ginagalugad naman ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ang makasaysayang bayan ng Sta. Barbara. Nabigyan din sila ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang kaalaman at saloobin sa pamamagitan ng isang panayam sa Radyo Ugyon ng Sta. Barbara. (/Ervie Quiros) 

Thursday, November 23, 2017

Download

admissionformforEntranceApplication

child protection program and policy

 

 OUR GLOBAL NETWORK

GlobalNetworkofJesuit

Donate ateneo de iloilo programs

Welcome 200GBP Bonus at Bet365 here.